marami na ang nauso sa atin. usually pinaguugatan ay ang kabataan. dito ipinapakita nila ang kanilang creativity and individuality. gusto nilang umangat at makita na different sa iba. thus dumating ang mga emo, senti, punks, hiphop, metal at kung anu ano pa.
dumaan na din ako sa ganyang panahon. ang panahon na gusto mong angat ka sa iba. na masasabing ikaw lang ang nakakaalam nun, nakakagawa nun, nagsimula nun. hindi man gaanong kalaki pero alam mong para sa iyo un.
tulad ng pag sibol ng mga jejemon. napanood ko lang sa channel 7 yan, pero di ko alam na may jejemon pala. nakikita ko lang ito marahil sa mga text messages ng ilan. tipong nilalagyan ng kaartehan ang mga salita sa text. sa aking pagkakaintindi ay:
1. tinawag silang jejemon dahil sa kanilang pag gamit ng "JEJEJE" sa pagtawa instead na "HEHEHE". ang unang pumasok sa isip ko pinalitan lang nila ung "H" ng "J". dahil sa ating wika ang "J" ay pwedeng magsingtunog ng "H".
2. jejemon. nilagyan na lang nila ng "mon" ang jeje. dahil maramil sa pokemon? jejeje este hehehe pala. marahil para may distinction at maipakita na sila ay isang grupo ng tao
debate tungkol sa kamalian ng mga jejemon. tama mali nga sila sa kanilang mga ginagawang kasanayan sa pagsusulat. pero ganyan talaga kabataan di ba? papangatawanan mo ang pinapaniwalaang mong sa iyo at kinakabilangan mo. alam natin yan. dumaan tayo jan.
hindi ako naniniwalang may mga tao na ang pagsusulat at pananalita ay purong jejemon lingo na lamang ang alam. tulad ng nauna ko nang sinabi. pinapangatawanan na lamang nila yan. ano pa't nag aaral tayo? malamang hindi naman pinapayagan na yan ang gamitin mo sa pagsusulat sa eskwela db?
isang nakakatuwang napansin ko ay ito. ang lingo ng jejemon ay nahahalintulad sa pag gawa ng "PASSWORD". kung ikaw ay pamilyar sa iba't ibang sites na nangangailangan ng password, makikita mo ang konsepto ng lenguaheng jejemon.
ayon sa computerworld.com article na "Secrets To The Best Passwords"
Substitute numbers for letters based upon their appearance. With a little imagination, you can visualize numbers that bear resemblance to letters.
Number Letter
1 L
2 Z
3 E
4 A
5 S
6 b
7 Z
8 B
9 g
0 O
oh di ba? pamilyar na pamilyar ;)
When you create a password, substitute a number where a letter would appear, according to the chart above. Some examples:
scuba becomes 5cu8a
water becomes w4t3r
icecream becomes 1c3cr34m