Galing ako sa Quiapo para makipagmeet sa isang kaopisina. Nag ikot ng kaunti, naghanap ng pwedeng bilhin para sa Halloween trick or treat ditto sa I. Mendoza. Grabe ang init sa kalsada. Pero masarap pa rin maglakad sa Quiapo. Napuntahan ko ung supplier ng mga pagkain, condiments, cups, etc. etc. Nagpunta din ako sa SM Quiapo pati na sa Isetann Carriedo at Recto. Nag ikot ikot lang naman, walang binili hehehe. Then naglakad din ako sa Hidalgo, tinignan ung mga tindahan ng camera at nakiusyoso lang, hindi naman talaga un ang pakay ko dun eh. Pero dami ngang mga camera at accessories na mabibili dun.
Naglakad din ako sa Evanghelista, mejo maluwag ngayon doon at walang mga tinda sa gitna ng kalsada. Buti na lang hehehe. Pero wala pa rin akong nakitang mga pwedeng bilhin na kendi. Puro mga Electronic supplies, generator, motor at mga videoke naman ang makikita doon. Dapat siguro sa Divisoria ako pumunta. Kaya lang ang INIT.
Pagdating sa LRT2 Recto station nag decide na ako umuwi. Kahit sa train mainit pa din. Hindi ganun kalakas ang aircon. Nagpapaypay na ang mga tao. Pagdating sa Katipunan nag jeep na ako papunta Calumpang. Pagdating ng J.Dela Pena may sumakay na lalaki. Hayuf! Hehe ang init init naka Tribal na jacket ka pa at naka hood. Nanlilimahid ka na sa pawis tol, ayaw mo pa tanggalin? Para bam aka japorma pa din? Hehehe Ayan ikaw tuloy dahilan kumbakit ako nag blog ngayon wahahaha.