Ang hirap ng feeling.. hay naku.. ito ang numero uno kong kalaban.. sa awa naman ng Diyos ito lang ang nagiging sakit ko sa isang taon.. ung transition period ng taglamig/tagulan at taginit.. nyempre pha noh noh ato nhayohn.. hehehe
Mararamdaman ko naman kung magkakasakit ako nito. Feeling ko sumasakit unti unti ang lalamunan ko .. feeling ko may namumuong kung ano sa ngala ngala hehehe.. pero eto pa rin.. inom pa din ng malamig.. iinom pa din ng alak
Pagkagising mo kinaumagahan.. PRESTO!!! sakit ng lalamunan ko .. hindi ako makapag salita ng maayos.. syet ang lagkit ng laway ko wahahaha.. ayan .. YARI KA! Unti unti na yan.. mararamdaman ko na pagsakit ng ulo.. nag build up na rin ang sipon.. yaiks.. kahit anong inum ko ng Vitamin C hindi na ako maisasalba niyo ...
Ang hirap magtrabaho.. sakit sa ulo.. feeling ko namumuoo ang lahat ng sipon at uhog ko sa gitna.. sa SINUS kumbaga.. at parang nadodokleng na din ako sa sakit hehehe.. teka.. kahit wala akong sakit nahihirapan ako magtrabaho ah .. hmmm
Absent nanaman.. haaay.. bawas sa sweldo. Pinakamainam gawin ay pumunta kay Doctor Beny .. yep old reliabol Doctor Beny.. Itatawag ni motherhood sa clinic niya nadadalhin niya ang anak niya.. halungkat naman si assistant sa files.. aba ang lintek.. inaagiw na yata ung file ko .. kasi natagalan.. ay totoo.. kulay kalawang or dilaw na ung papel .. hehehe .. tama kayo.. pediatrician si doctor Beny.. at siya pa din ang doctor ko .. siya nga lang yata ang kilala ng katawan ko.. kundi ako papatingin kay doc hindi ako gagaling.. hehehe... trust me.. ganyan din ang karamihan ng bata sa amin na sa kanya lumaki ..
konting tingin .. nganga ng malaki.. makinig sa tibok ng puso at malalim na paghinga.. may ibibigay na gamot.. usually antibiotic lang yan.. tapos sabay sulat ng medical ek ek para sa opis.. at syempre ang bayaran portion hehehe.. salamat doctor ...
Eto na.. sabi ko na nga ba kailangan lang dumalaw kay doc.. ok nanaman ako . .magaling na..
simulan na ulit ang blog ...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hmmm saan pa ba pwedeng tumulo?? hehehe
Post a Comment