SA UGOY NG DUYAN
Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig ako'y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan
Isa sa pinakamagandang kanta na nilikha ng isang Pinoy..kuhang kuha ni Levi Celerio ang damdamin ng bawat tao. Ano nga kaya ang iniisip niya noong isinulat niya ito? Ano ba mayroon ang kantang ito na sa tuwing maririnig ko ako'y napapatigil? Sa totoo lang parang bigla akong nangangarap.. naaalala ang kabataan ko?
heheh madrama ba? OO noh.. madrama ito.. tanga ka kung wala kang nararamdaman na kakaiba kapag narinig mo ang kantang ito.
Hindi ko susubukang himayin ang nilalaman ng kanta.. ayokong makasira sa isang magandang bagay. Ikukwento ko lang ang mga naaalala ko.. and mga naiisip ko..
Parang napapanood ko ang sarili ko noong bata pa ako. Hindi lang nga si mama ang mga naghele sa akin. madami sila. Lam ninyo ba na parang naaalala ko na nakatingin ako sa kanila habang hele nila ako? hmmm posible kaya un? Siguro nasasabi/naiisip ko lang un dahil sa mga litratong nakikita ko na kalong-kalong nila ako.. siguro un nga..
Balikan natin ang pag ugoy nila sa akin.. Anjan sina Ninong at Ninang.. ahhh ang walang kamatayang kanta ni Ninong para makatulog ako.. ako yata ang una niyang ginawan ng ganun.. hanggang ngayon ginagawa pa rin naman niya sa mga sumunod sa akin. Sina Mommy at Daddy na nakangiti sa kanilang unang apo at nilalaro. Sina Tita Vic, Ate Dory, Ate Tessie na kalong kalong ako at nakikipaglaro. Sina Tito Boni at Tita Cel na karga ako sa isang family reunion. Si Lola Tanching at Lolo Taning na kalaro ko sa simbahan. Si Lola Aning na tinutulungan si Mama na bihisan ako. Si Papa na kalong ako noong bibinyagan ako sa simbahan. Si mama na hinehele ako gabi gabi.
Ang sarap alalahanin ng mga panahong yaon.. Para bang gusto ko uling tumabi sa kanila at sabihing "ihele at patulugin mo ulit ako." Makakatuwang alalahanin.. pero bakit ganun?? Napapaluha ako pag naaalala ko..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
we sang that song at ccp complex circa 1981.....marist glee club 1981
-firehorse
Post a Comment