Tuesday, January 29, 2008

Paglalakad sa Kalsada

Ang aking unang pagsusulat sa taong 2008.  Nawa'y maging maligaya, masagana at mapayapa ang ating taon

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng JP Rizal St dito sa Marikina, mula bayan hanggang amin nilalakad ko, naalala ko ang mga panahong may tiangge pa sa ilog.  Kapag ako'y ginagabi/inuumaga sa daan madami pang tao at sasakyan sa kalsada.  Di tulad ngayon na wala ka halos makikita.  Kaya palinga linga na lang ako at nagiingat.  

Naalala ko na minsang naglakad ako.  May namataan akong dlawang bata.  Gusgusin sila.. ilalarawan ko na lamang ang nakita ko noon:
mas nakatatandang bata: nakatayo sa bangketa at mistulang tinatawag o pinipilit ang nakababatang kapatid na sumama sa kanya.
pangalawang bata: kung may kakilala, anak, pamangkin or kamaganak na nagsa edad na tatlo hanggang lima siya ang alalahanin mo.  batang lalaki, madungis, walang salawal, madumi at may butas ang manipis na sando na may pipping na dilaw.  ang kanyang mukha, mistulang takot na mangilidngilid ang luha.  Di ko maipinta o mawari kung naiiyak sa gutom?  O kakagising lang? Nasa sulok siya sa tapat ng bahay na kinatatayuan nila.  
Nakatingin ang mas bata sa kanyang nakatatandang kasama.  Sa pilit kong iniisip kung bagong gising ba ito, ayaw ng umalis sa kinalalagyan dahil sa pagod?  Nagugutom kaya ito kaya mangiyakngiyak na ang itsura?  Naghahanap ba siya ng kalinga, magulang o kung sino man na tutulong sa kanya?  Para bang ayaw na niyangumalis doon sa lugar na yaon, naghahanap marahil ng tirahan o masisilungan sa lamig ng gabi.

Unang naramdaman.  Gusto kong tulungan.  Pero napag isip ako, at yan ang mga nailagay ko sa itaas.  Tsk tsk.. dapat nga hindi na nag iisip ang isang tao kung pagtulong din naman ang hangad.  Hanggang sa malagpasan ko sila iniisip ko silang balikan.  Lintek na utak ito.  Dapat di ka na nag isip.  Gawin mo na lang ung nararamdaman mo.

Yaan marahil ang dahilan kaya't di ko sila malimutan.  

No comments: