(P20 and above or anything) ..
Aba tignan mo nga naman noh.. may range na pala ngayon. Gusto ko magbigay pero nagdadalawang isip ako dahil dun sa nakita ko. HIndi nga naman siguro masama na ilagay nila un, pero dahil sa ngayon lang ako nakakita ng ganun mejo nangiti ako hehehe..
So isipin na lang natin, ano nga ba ang pwede gawin ng mga kapatid nating may kapansanan, tulad ng mga pipi at bingi (deaf/mute) at bulag? Ewan ko ngunit anong mga opportunities meron sila? Lalo na dito sa Pilipinas? Wala pa talaga akong nakikita na nagttrabaho sa mga kumpanya na mga tulad nila.. So parang mga livelihood programs ang pwede? Pag gawa ng ganito at ng ganire?
Naisip nyo ba na ang swerte din natin? Andaming lumalapit na oppotunity sa atin .. Marami tayong option .. Hindi sa minamaliit ko sila.. hindi un ang ibig kong ipaabot .. wag lang natin syangin ang mga pwedeng dumating .. ibinibigay sa atin .. at kaya nating abuting mga pangarap ..
No comments:
Post a Comment