Ika 15 ng Disyembre ang simula ng simbang gabi. Simula nanaman ng siyam na araw ng pagsisimba bago sumapit ang Pasko.
Malamig na simoy ng hangin. Kaya't ihanda ang jaket, bonet at sumbrero. Mabango ang mga pagkain tulad ng puto bumbong at bibingka.
Marami ang nangagsimba. Pamilya, magkasintahan, mga tropa. Kumbaga sarisaring tao ang iyong makikita.
Para sa akin ang simbang madaling araw dito sa Shrine of Our Lady of the Abandoned, Marikina City ay dapat ng itigil. Alam ninyo siguro kung bakit. Kung inyong mapapansin pag simbang gabi palaging may di kaaya ayang nangyayari sa paligid.
Ginagawang BATTLE GROUNDS ng mga iba't ibang topa ang paligid ng simbahan. Kabi kabilang kanto may mga nakaantabay, nagaabang ng mga kalabang tropa. May mga dalang bato, bote, pamalo at kung minsan may philbox pa.
Nagsisimula sa murang edad. Kung aking susumahin nasa paligid ng 11 hanggang 20 mahigit ang mga edad nila. Ang mga pinama maliliit at mga bata ang nakikita kong nauuna sa mga habulan. Kumbaga sila ang unang panugod. Ang mga matatanda or mga beterano ay nasa likod nag uutos. Oo nga naman sila ang mga founder or mga elder, hindi dapat mauna.
Nagiging dahilan na lang ang simbang gabi upang makalabas ang mga kabataan na yan. Nagiging dahilan na lang ang simbang gabi para makipag rambulan ang mga yan.
Hindi naman napipigilan ng mga kinauukulan ang mga ito. Ang pinagtataka ko ay kilala naman nila ang mga ito. Nangyayari ito ng ilang taon na. Bakit hindi gumawa ng mga hakbang upang pigilan ang mga ganitong pangyayari?
Ang masama ay nadadamay ang mga ordinaryong tao. Mga gustong magsimba at manalangin. Mga bata na pwedeng masaktan. Mga matatanda na walang kinalaman.
Gaano katagal pa kaya mangyayari ang mga ito? Ilan pa kaya ang masasaktan? May buhay pa kayang mawawala dahil dito?
Antayin ko ulit ang mangyayari sa isang taon?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment