Saturday, January 07, 2012

Lola Cion My new IDOL

Para sa PISO ng Imbestigador

We could actually all learn from this story.  Lola Cion 80 years old, works by planting kamote and collecting woods to be used as panggatong to be able to make ends meet.  It is not even making ends meet but rather trying to get food on the table for her grand children.


P8 (Eight Pesos).  That's how much she could sell her panggatong.  P50 (Fifty Pesos) for the kamoteng kahoy she could harvest.


How much do we spend on our ridiculously expensive lifestyles?  How much do we earn by just sitting, thinking and flickering on our gadgets?  While this lady is walking up to the hills and scavenging for woods at 80.


Her one wish.. to die at 200 years old.  She is concerned about her grandchildren.  What would they eat?  Where will they go?  


To be able to still take care of her grandchilrden..  Selfless. 



Saturday, December 31, 2011

A Peaceful and Prosperous New Year

A Peaceful New Year to everyone.  That's what we say.  Really.. DO we have peace during New Years?  


Actually New Year is our BIGGEST alibi to make a lot of noise, drink a lot of alcohol and get wasted.  


If you really wanted to have a Peaceful New Year. Find peace within. 


Look who's talking.. don't get advice on a guy who;s always ranting.. hahahaha..


Stalker I hope you understand.  So that when you use my posts you would actually know what they mean.  Get it?!

Saturday, December 17, 2011

SImbang Gabi 2011

Nagsimula nanaman ang simbang gabi.  Naghahanda na din ang mga tao sa pag dalo sa Banal na Pagsasalo salo.  



Naghahanda na din ang mga hinayupak na mga tropa na ang tanging hangad sa ganitong panahon ay maghamon at mag abang ng away.


Naghahanda na rin ba ang mga kinauukulan?  Hindi pa rin talaga tayo natututo.. tsk tsk tsk ..

Wednesday, November 23, 2011

Boston Celtic's Lack of BIG men

It just came to me.  The Boston Celtics have been looking for a serviceable BIG man.  They hired Jermaine O'Neil, with those injuries?  They got Shaq, with those injuries?  
So why not take a chance on Greg Oden.  Yes with those injuries. 


Upside.  He is still young and have been wanting to show what he can do.  He wants to prove that he belongs to the NBA and he is no bust.


Downside.  Injuries and attitude.

Tuesday, November 22, 2011

Filipinos and Manny Pacquiao (hidden truth)

We, as Filipinos, have been very proud of Manny Pacquiao's accomplishments inside the ring.  Those eight belts that he has is testament enough t the pride, glory and honor that he brought us.  These accomplishments would also give him a slot to the boxing hall of fame, if there is one?


Why are we lambasting him with comments that are not heard in the past few years that he has been fighting?  He did not deserve to win.  Marquez won the fight.  Is there still politics in the ring?  Ay tinapakan kasi ung paa niya kaya hindi gaano nakaporma si Pacman.  Mahina na siya.


One painful truth is we have been wanting him to loose.  


That's it.


I do not know.  He is great I agree.  But I am one of those that who would bet against him.  Though I do not enjoy watching boxing.  I only watch just for the sake of watching.. hahaha 


I guess we are envy?  of the fame, fortune and everything that goes with it.  Pacman has it!  endorsement, properties, cars and yes women.  Now that puts a grin on every man's face.


I guess we are tired?  He is evolving into someone that is not him.  The purity of his actions and words are different.. are lacking.. it's not there?


Is he getting arrogant?  Watch his game show on TV.  he is unwittingly becoming willie..


The singer?  Who does a concert after a fight?  Is that giving thanks to your followers?  or is it plain arrogance??  And he is getting away with it.. yes he could.. he has MONEY and lots of them.


The politician?  Come on!  Everybody knows that those politicians are just playing you Manny.  You should know better.  You can help by not being an elected official.  You have been helping as a normal but wealthy citizen.  Making laws does not suit you.  Your actions are more than enough.  Actually I think you have helped more compared to our elected officials.  Do not be one of them.


I guess we, as Filipinos would like to watch how you will fall.  How your last fight would be.  How you would squander and let you Billions slip and vanish through thin air.  That's who we are.  That's what we like.  Telenovelas anyone?


**A quick shout out to Mayweather.  Do not be a coward chicken shit.  This is the time to pounce on Manny.  He is weak.  He's confidence is down.  Most important of all he's "Filipino" fans have been he's number one critiques and has doubted him.  


Oh But I am waiting for Manny to wake up!  Then it should be a different story..

Tuesday, November 15, 2011

11.15.2011 Gamot at Pelikula

May isang bagay akong napapansin s mga pelikulang napapanood ko.  Kapag umiinom ng gamot ang mga karakter eh bigla silang gumagaling.



May isang inatake as puso.. "Ang gamot ko.. dali!".  Iaabot naman ang gamot.. iinumin ng kung sino mang artista.. at biglang eepekto na ang gamot .. 


AGAD AGAD?!?!?!


May ganung gamot ba talaga?  Pagka lunok na pagkalunok ayan na at may epekto na?!  Maitanong nga sa mga doktor..


**Note: Uy ung stalker ko nagbabasa nanaman.. at kukuha nanaman ng ideya para ipagyabang niya.. hahaha kawawa ka naman!

Wednesday, November 09, 2011

11.09.2011 Keempee

Does anyone realize or does any one still remember how popular Keempee de Leon was back in the 1990's?  His trademark hairstyle was copied / imitated / duplicated by almost all of the young men during those days.  Remember the parted hair in the middle and bangs up until the ears or some covering the eyes?


Punta ka sa beauty parlor or barber shop noon, sabihin mo lang keempee!  Alam na nila ang gupit na gagawin hehehe.


Though uso noon hindi tlaga pwede sa klase ng buhok ko ang ganung style hahahaha..





Saturday, November 05, 2011

11.04.2011

Mga Ginawa

  • exercise pagkagising
  • pumasok sa office (mahal ng taxi fare ko!)
  • fix ng issues 
  • pagdating ng uwian nagpunta kami sa Kwago's Pioneer
  • naka 4 bote ng SML
  • pulutan - tuna sisig at bangus sisig





Friday, November 04, 2011

11.04.2011 Trust

Daily we depend on our gadgets.  For reminding us if we have meetings, birthdays, schedules.  We now have the convenience of placing a note or a reminder in our mobile phones, laptop, tablets, iPhones, iPad, etc..
This reminded me way back when none of this was essential.  Yes, they exists but only a select few can afford to buy them.


Meetings within our organization was scheduled of course, but what makes me grin whenever I recall those memories are the spontaneous meetings/get together that we have .  No need to call, no text, no facebook, no tweet, no internet.  We have this, what I now call TRUST, with each other that we will be there.  
Friday, Saturday and Sunday..
My heart skips a beat hehehe.  Just let me take a peek at the grounds of OLA.  I know that someone is waiting there.  I know that someone will be arriving. 

What will we do?  We do not plan?  We let it just happen.  We talk about anything.  We talk about everything.  We play.  We sing.  We laugh.  We cry.  

And I am now wondering.. Does this same TRUST exist?

11.03.2011

Kinaiinisan

  • hindi ako nakainom ng gamot after breakfast; ngayon ko lang madaling araw nainom hehehe
  • may error pa din sa Process Chain


Ginawa ko kanina

  • nag exercise ng 30+ minutes
  • nagbigay ng analysis sa isang ticket
  • ipinagpatuloy ang monitoring task

Wednesday, November 02, 2011

11.01.2011 TODOS LOS SANTOS

Mga namimiss ko
  • bola na gawa sa kandila or pinagtirikan ng kandila.  Wala na akong nakikitang bata na gumagawa nito ngayon.  Napalitan na ng mga gadgets (cellphone, ipod, ipad, iphone etc etc), at ung mga umiilaw na mga laruan na binebenta sa mga sementeryo
  • ang pag punta sa panchon sa likod ng OLA.  Kumain ng butong pakwan at makipag kwentuhan sa mga kamag anak na minsan mo lang makita or doon mo lang nakilala.
  • ang mga puntod ng ibang kamag anak na hindi na nakikita ngayon
Mga kinainisan
  • mga taong nagpupunta sa sementeryo na kakaiba ang porma (may mga naka gayak "party party", naka make up)
  • mga pasikat na anlalakas ng boses na animoy pinaparinig ang mga pera, ginastos, pinuntahan, mga gadgets nila
  • mga tropang maaangas sa loyola
  • mga grupong nag aangas na kunwari'y tumutulong
Ang ginawa ko ngayon
  • nagtrabaho sa bahay (WFH)
  • naglakad mula bahay papuntang loyola
  • kumain ng spaghetti, uminom ng coke zero
  • nakaidlip habang nakahiga sa loyola (sa puntod nina papa at daddy)
  • uminom ng 2 bote ng SML at napa yosi
  • nag blog

Saturday, October 29, 2011

10.29.2011 Ang Init


Galing ako sa Quiapo para makipagmeet sa isang kaopisina.  Nag ikot ng kaunti, naghanap ng pwedeng bilhin para sa Halloween trick or treat ditto sa I. Mendoza.  Grabe ang init sa kalsada.   Pero masarap pa rin maglakad sa Quiapo.  Napuntahan ko ung supplier ng mga pagkain, condiments, cups, etc. etc.  Nagpunta din ako sa SM Quiapo pati na sa Isetann Carriedo at Recto.  Nag ikot ikot lang naman, walang binili hehehe.  Then naglakad din ako sa Hidalgo, tinignan ung mga tindahan ng camera at nakiusyoso lang, hindi naman talaga un ang pakay ko dun eh.  Pero dami ngang mga camera at accessories na mabibili dun. 
Naglakad din ako sa Evanghelista, mejo maluwag ngayon doon at walang mga tinda sa gitna ng kalsada.  Buti na lang hehehe.  Pero wala pa rin akong nakitang mga pwedeng bilhin na kendi.  Puro mga Electronic supplies, generator, motor at mga videoke naman ang makikita doon.  Dapat siguro sa Divisoria ako pumunta.  Kaya lang ang INIT. 
Pagdating sa LRT2 Recto station nag decide na ako umuwi.  Kahit sa train mainit pa din.  Hindi ganun kalakas ang aircon.  Nagpapaypay na ang mga tao.  Pagdating sa Katipunan nag jeep na ako papunta Calumpang.  Pagdating ng J.Dela Pena may sumakay na lalaki.  Hayuf! Hehe ang init init naka Tribal na jacket ka pa at naka hood.  Nanlilimahid ka na sa pawis tol, ayaw mo pa tanggalin?  Para bam aka japorma pa din? Hehehe  Ayan ikaw tuloy dahilan kumbakit ako nag blog ngayon wahahaha.

Thursday, June 16, 2011

Lunar Eclipse 16.06.2011

i saw it !! un lang hehehe

Sunday, June 12, 2011

Happy Independence day fools

REPUBLIC ACT NO. 8491

SECTION 10. The flag, if flown from a flagpole, shall have its blue field on top in time of peace and the red field on top in time of war; if in a hanging position, the blue field shall be to the right (left of the observer) in time of peace, and the red field to the right (left of the observer) in time of war.

Pakitandaan lang! madaming TANGA ang naglaladlad lang ng bandera ng di alam  ang tamang pamamaraan.. 

Thursday, July 01, 2010

Password ng J3J3M0N

marami na ang nauso sa atin.  usually pinaguugatan ay ang kabataan.  dito ipinapakita nila ang kanilang creativity and individuality.  gusto nilang umangat at makita na different sa iba.  thus dumating ang mga emo, senti, punks, hiphop, metal at kung anu ano pa. 

dumaan na din ako sa ganyang panahon.  ang panahon na gusto mong angat ka sa iba.  na masasabing ikaw lang ang nakakaalam nun, nakakagawa nun, nagsimula nun.  hindi man gaanong kalaki pero alam mong para sa iyo un.

tulad ng pag sibol ng mga jejemon.  napanood ko lang sa channel 7 yan, pero di ko alam na may jejemon pala.  nakikita ko lang ito marahil sa mga text messages ng ilan.  tipong nilalagyan ng kaartehan ang mga salita sa text.  sa aking pagkakaintindi ay:
1. tinawag silang jejemon dahil sa kanilang pag gamit ng "JEJEJE" sa pagtawa instead na "HEHEHE".  ang unang pumasok sa isip ko pinalitan lang nila ung "H" ng "J".  dahil sa ating wika ang "J" ay pwedeng magsingtunog ng "H".
2. jejemon. nilagyan na lang nila ng "mon" ang jeje.  dahil maramil sa pokemon? jejeje este hehehe pala. marahil para may distinction at maipakita na sila ay isang grupo ng tao

debate tungkol sa kamalian ng mga jejemon.  tama mali nga sila sa kanilang mga ginagawang kasanayan sa pagsusulat.  pero ganyan talaga kabataan di ba?  papangatawanan mo ang pinapaniwalaang mong sa iyo at kinakabilangan mo.  alam natin yan.  dumaan tayo jan. 

hindi ako naniniwalang may mga tao na ang pagsusulat at pananalita ay purong jejemon lingo na lamang ang alam.  tulad ng nauna ko nang sinabi.  pinapangatawanan na lamang nila yan.  ano pa't nag aaral tayo?  malamang hindi naman pinapayagan na yan ang gamitin mo sa pagsusulat sa eskwela db?

isang nakakatuwang napansin ko ay ito.  ang lingo ng jejemon ay nahahalintulad sa pag gawa ng "PASSWORD".  kung ikaw ay pamilyar sa iba't ibang sites na nangangailangan ng password, makikita mo ang konsepto ng lenguaheng jejemon.

ayon sa computerworld.com article na "Secrets To The Best Passwords"
Substitute numbers for letters based upon their appearance. With a little imagination, you can visualize numbers that bear resemblance to letters.
Number Letter
1             L
2             Z
3             E
4             A
5             S
6             b
7             Z
8             B
9             g
0             O

oh di ba? pamilyar na pamilyar ;)
When you create a password, substitute a number where a letter would appear, according to the chart above. Some examples:

scuba becomes 5cu8a
water becomes w4t3r
icecream becomes 1c3cr34m

so malamang isa sila sa mga magagaling na gumawa ng password or, wag naman sana, isa sa mga pinakamagaling mag hack ng password JEJEJE.

Saturday, January 16, 2010

Ramdom Thoughts

Why did I created this blog?  


At first I would like to share my stories..pangungutya..pangaasar..and what ever I would feel like writing.. I think I wanted to be part of the fad.  The newest thing on the net, which wag blogging.


It was not easy to maintain a blog.  So as you can see I have spans that took me several months to post an article, an item or what have you.


Should I choose a topic or a specific guideline for my blog?  I don't think so..  


You see I am not the one who sits and says to myself I am going to write about this and that.  Shit sa kit sa ulo un ha.  


I usually get ideas when I am outside.  Nasa jeep, may nakitang kung ano man sa kalye, heard something on the radio, seen on TV and browsed on the net.  With so many ideas I usually stack on my diminutive brain I tend to loose them or choose to loose them.  Thus beating the purpose of this blog for my ..



Random thoughts.. 



Happy Birthday Rhechiel

Happy birthday to my wife Rhechiel

more blessings will come your way 




 

Wednesday, December 23, 2009

Simbang Gabi Update

May naghahabulan nanaman sa mga kalsada sa mga oras na ito.  Sa may street sa ilog nagtatakbuhan.  Naghahabulan nanaman ng mga bato.  Nagsisigawan nanaman.

Parang mga tanga.  Kung matapang ka wag kang tumakbo.  At kung humahabol ka wag mong patakbuhin ang kalaban mo.  Sigaw ng isang humahabol, "Sige TAKBO pa!".  Anak naman ng pitumpung tupa.  Eh diba ang gusto mo mahabol ung tao?  Wag mo ng patakbuhin.  TANGA TANGA talaga nitong mga ito.  Pinapagod mo lang sarili mo. 

  

Tuesday, December 22, 2009

Simbang Gabi

Ika 15 ng Disyembre ang simula ng simbang gabi.  Simula nanaman ng siyam na araw ng pagsisimba bago sumapit ang Pasko.  

Malamig na simoy ng hangin.  Kaya't ihanda ang jaket, bonet at sumbrero.  Mabango ang mga pagkain tulad ng puto bumbong at bibingka.

Marami ang nangagsimba.  Pamilya, magkasintahan, mga tropa.  Kumbaga sarisaring tao ang iyong makikita.

Para sa akin ang simbang madaling araw dito sa Shrine of Our Lady of the Abandoned, Marikina City ay dapat ng itigil.  Alam ninyo siguro kung bakit.  Kung inyong mapapansin pag simbang gabi palaging may di kaaya ayang nangyayari sa paligid.

Ginagawang BATTLE GROUNDS ng mga iba't ibang topa ang paligid ng simbahan.  Kabi kabilang kanto may mga nakaantabay, nagaabang ng mga kalabang tropa.  May mga dalang bato, bote, pamalo at kung minsan may philbox pa.  

Nagsisimula sa murang edad.  Kung aking susumahin nasa paligid ng 11 hanggang 20 mahigit ang mga edad nila.  Ang mga pinama maliliit at mga bata ang nakikita kong nauuna sa mga habulan.  Kumbaga sila ang unang panugod.  Ang mga matatanda or mga beterano ay nasa likod nag uutos.  Oo nga naman sila ang mga founder or mga elder, hindi dapat mauna.  

Nagiging dahilan na lang ang simbang gabi upang makalabas ang mga kabataan na yan.  Nagiging dahilan na lang ang simbang gabi para makipag rambulan ang mga yan.  

Hindi naman napipigilan ng mga kinauukulan ang mga ito.  Ang pinagtataka ko ay kilala naman nila ang mga ito.  Nangyayari ito ng ilang taon na.  Bakit hindi gumawa ng mga hakbang upang pigilan ang mga ganitong pangyayari?

Ang masama ay nadadamay ang mga ordinaryong tao.  Mga gustong magsimba at manalangin.  Mga bata na pwedeng masaktan.  Mga matatanda na walang kinalaman.  

Gaano katagal pa kaya mangyayari ang mga ito?  Ilan pa kaya ang masasaktan?  May buhay pa kayang mawawala dahil dito?

Antayin ko ulit ang mangyayari sa isang taon? 

Tuesday, December 01, 2009

Ang Pagtapik

Habang nag surf ako sa net .. nasa tabi ko ang aking anak.  Ang sarap pagmasdan ng napaka inosenteng bata na natutulog.  

Biglang makikita mo na gagalaw at magigising.  Iyong tatapikin ang bata paminsan ay may kasabay na himig na pampahele.  

Bakit nga ba natin tinatapik ang bata kapag nagigising?  Hindi ba dapat siya ay lalong magising sa dahilan ng pagtatapik?

Pumasok lamang sa king pang unawa.. marahil naghuhudyat lamang un sa mga bata na sila'y may katabi at nagsasabing andito si nanay or si tatay na nagbabantay sa iyong pagtulog.

At sila'y unti unting muling mahihimbing.. salamat nanay at tatay