Sinulat ni Rodolfo S. dela Paz
Taga Marikina: Ipinanganak sa Marikina, taal nataga Marikina, tubong Marikina, nakatira saMarikina. Kahit saan man naroroon maging saabroad, hindi nalilimutan ang Marikina, nasa puso ang Marikina.
Taga Marikina-maputi, makinis at medyo singkit angmata, pustura, maporma, mapagbiro, masayahin,mabulaklak ang dila. Sa madaling salita,mapagmura, bukang bibig mo, "Putang 'na mo!". TagaMarikina: mahilig kumain, mamasyal, magpiknik,magbasketball, makipagkuwentuhan. Sabi nga:"Mawalan na ng isang kalabaw, huwag lang ng isang huntahan".
hindi mo ba napansin? description ko yan..tignan mo pa ang larawan ko hehehe.. hindi nga lang ako maporma at mapustura. OO mabulaklak din ang dila ko, pero mejo nabawasan ko na hehehehe..Huntahan yan ang di mawawala sa akin.. sa amin??
Kung taga Marikina ka, mahilig kang kumain ngpansit, goto at tokwa. Kapag umuulan o araw ng Biyernes, ang ulam mo, munggo at kung Linggo,nilagang manok. Kung taga Marikina ka ang tawag mo sa matamis na sawsawan ng lumpia ay maalat. Kung taga Marikina ka, mahilig kang magsugal; tumatayasa lotto, karera, nagsasabong, nagpupusoy,tong-its, bingo, monte, sakla, ending at siyemprepa, jueteng.
OO mahilig ako sa pansit..minsan may pumuna sa akin..ngayon lang daw siya nakakita ng inuulam ang pansit..oo mahilig ako sa tokwa't baboy.. lalo na sa tokwa .. heheh pupunta pa ako sa palengke upang bumili ng tokwa .. un ang agahan ko noon..
At syempre pa.. ang MAALAT.. oo maalat nga ang tawag namin sa matamis na sarsa ng lumpia.. at ang pinakamagaling magluto nito .. si LOLA ANING..
Sugal?? hindi ako gaanong mahilig sa sugal..mahilig ako manood ng nagsusugal.. nagpupusoy ako paminsan minsan.. Holy Week usually.. kalaro mga kaibigan ko sa I.Mendoza(Kenworth kung tawagin).. at ang pustahan pahiran ng uling sa mukha.. kaya uuwi kaming parang atiatihan.. kung walang uling isang malaking BASO ng tubig ang iinumin pag natalo..at di mawawala ang jueteng.. kapag trip ko tataya ako .. lalo na kung may okasyon.. aalagaan ko talag aang numero.. di ko lang mapaliwanag kumbakit lumalabas ang numero.. at syempre pa tatama ako .. INUMAN NA...
Taga Marikina ka kung marunong kang gumawa ngsapatos pero lagging nakatsinelas, nakabihis nangmaganda kahit walang pera. Taga Marikina ka kungang bati mo sa kakilala o kaibigan ay hindi "Hi" o"Hello" kundi "Saan ka galing?" o "Saan kapupunta?" Taga Marikina ka kaya nag-aral ka saRoosevelt o sa MSAT. Kung nag-aral ka sa Marikina,alam mo ang Central, annex No. 1 at annex No. 2.Love mo si "Little Ana", si Miss Mendoza. Kilalamo si Mrs. Mesina, si Miss Victorino at Mrs.Zamora. Kilala mo rin si Mr. Trinidad, Mr.Santos, Miss del Rosario, Mrs. Chanyungco at siMaestrong Porong.
Di ako marunong gumawa ng sapatos..pero nakapag trabaho ako sa sapatusan.. naglilinis ako noon.. finishing yata tawag doon.. hehehe
Noon akala ko natural na batian ung "Saan ka punta?" at "Saan ka galing" dami nakakapansin sa akin..bakit kung babati ako un ang lagi nila naririnig? Noon ngang nagkita kami noong kaklaso ko noong high school.. naka bisikleta ako at naka sasakyan siya.. ang sabay naming tanong "saan ka punta?"
Nag aral ako sa MARIST.. exclusibong paaralan para sa mga lalaki.. nagpapasalamat ako sa mga natutunan ko doon.. maraming salamat po.. ngunit di ako masaya doon .. sa tuwing may kwentuhan sa amin ng mga barkada, kakilala o ng mga nakakatanda.. lagi nababanggit Roosevelt or MSAT.. hay .. bakit nga ba hindi ako napasok dito? E di sana nasasama ako sa mga Alumni homecoming.. hehehe pero as bandang huli.. salamat sa mga magulang ko ;)
Ung mga pangalan sa itaas.. nakikilala ko sila.. sa kwento nina mama at papa.. pati mga tito at tita.. lalo na kapag kasama mga kaibigan nila.. reminiscing kumbaga...
Taga Marikina ka kung alam mo ang ibig sabihin ng"naghalo ang balat sa tinalupan, "sagot sa huli",lamuan, salang bayan, salamyaan, anunciata, zebra,ampay kaban, hiwas, ditchoy, bankilya.
Oo pamilyar anga mga katagang ito.. at may mas hihigit pa ba sa ANUNCIATA? Sa mga hindi nakakaalam.. sana tama ipapaliwanag ko .. ito ung maliit na birhen nanakalagay sa isang lalagyan.. ito ay madalas dinadasalan sa pabasa kina LOLA ANING.. dito ko siya nakilala.. bata pa kami andoon na siya.. ngayon wala na si Lola Aning .. andoon pa rin siya.. hinahalikan ang birhen na ito.. may salamin ang lalagyan niya.. doon humahalik ang mga tao.. pagkatapos halikan ay papahirannila ng bulak na may kulay green na kung ano man iyon.. tapos ibibigay ang kapiraso sa humalik.. ok noh? tignan mo wallet ko .. may bulak ko niyan .. pinapalitan ko kada taon.. ahhh.. mas mabuti kayang idagdag dito na.. Taga Marikina ka kung alam mo ang PABASA ni Lola Aning.. ang tawag dito ay PIGING.. marunong ka ng mga tono ng pabasa dito sa Marikina.. nakikita mo ung mga naglalakihang talyase sa kalsada.. doon niluluto ung pansit, kanin at ulam..at matapos ang pabasa maririnig mo ang pamamaalam niya.. pasasalamat...
Taga Marikina ka kung nakapanood ka sa Cine Bayan,Lion, Mari at Valley, kaya alam mo ang palko,kabit at ala-berde. Naghawak ka ba ng kateplak?Umahon ka ba sa Antipolo? Sumakay ka ba saMarikina Valley? Sa NGI? sa Happy Valley? saMarikina Bus? Kumain ka ba kay Aling Petra? KayDoro? kay Justina? sa La Pacita? kay Tabio? kayLim? kay Victory? kay Luyong? kay Salud? kay Jesus?
Lion, Mari at Valley.. paano ko naman hindi malalaman ito dahil anlapit lapit lamang sa amin niyan.. noong mejo nagkaisip na ako ang mga palabas diyan puro bold na hehehe.. kapag pupunta nga akong Santolan maririnig mo ang palabas sa Lion..kasi doon lang sa likod nito ang sakayan ng jeep patungong Santolan..
Ala-berde.. heheh yan ang inaantay ng bawat MarikeƱo.. ito kasi ung last order.. ibibigay na sa iyo lahat hehehe.. saordinary price.. or libre na ito .. sarap!!
Kateplak? hindi ako humawak niyan..nahihya ako hehehe.. yan ung pinapatunog nila sa harap ng prusisyon, sagala or anoman..
Mga kainan sa Marikina.. andami nito.. at ansasarap.. hanggang ngayon bumibili pa rin kami.. lalo na kung may inuman.. tara bili tayo ng gising gising.. hehehe at matapos naman uminom.. tara bili tayo ng pansit at pandesal .. yum yum
Naligo ka ba sa ilog? nagnakaw ng singkamas satumana? nanuro, naglaro sa baha? namalaka,naglimas, nagmaya? nagsalon sa Riverview, saRolando's, sa Holiday, sa Champion, sa Sky View,sa Frolic, o nag-outing sa Balara at VillaLolita? Kung hindi mo alam ito o hindi mo itonaranasan, baka hindi ka taga Marikina.
Hindi pa ako nakakaligo sa ilog.. maski na tabi lang ng bahay namin ito hehehe.. maarte ako eh ..pero mga kabarkada ko nakaligo na dyan.. ako lang talaga ang hindi.. naglaro sa baha pwede pa.. kaya lang.. wala ng baha ngayon dito sa Marikina.. kawawang mga bata.. hindi ninyo mararanasan un hehehe
Outing? di ko alam kung saan kami nagpupunta noon.. pero may mga picture ako hehehe.. meron pa ngang outing kami na reunion yata ng mga kamag anak ni Lola Bitang.. minsan scan ko at ipapakita sa inyo..
Sky View..Square Hole.. naku!! sarado na yan .. hehehe
Taga Marikina kapag alam mo kung saan ang DaangBakal, dairy, oval, patindig-araw, balubad,lambak, tayug, olandes, Ilaya, Ibayo, halang atChorillo. Taga Marikina ka kung kilala mo angangkan ng adobo, bangus, kamatis, ibon,kalambyang, bibe, puto, kalabaw, paminta, kulubot,daga at iba.
Kabataan ko naguguluhan ako sa mga lugar na yan.. Daang bakal.. daang pasig.. alangya lahat naman dito daanan db?
Ang mga angkan? may mas dadami pa ba sa angkan ng NEPOMUCENO? heheh antyin ninyo .. may gagawin ako para sa inyo ;)
Kung taga Marikina ka, siyempre kilala mo si Alo,si Herman, si Terry, si Ador Langis, si Anita at si Eleng-Eleng, gayundin sina Eliong taba o siEmiliong laki. Kung hindi mo sila kilala, bakakilala mo si Temyong Hudas, si Kletong P_k_, siAngel mayaman, si Mariang mahirap, si Mr. Cruz, si Kamote, si Bigote, si Pitoy.
Para kang si ALO.. heheh lokohan ng mga taga amin.. lalo na ng mga bata.. kumabga para kang loko or praning?? tama nga ba? Si Ador lagi sa kalsada namin noon yan.. kapag dumadating.. naku.. magsisipasok na kami ng gate.. mabait naman siya.. kausap nga lagi nina papa at nga mga kalalakihan sa amin.. KO KO KO KOTSE.. KOTSE!!!
Kung taga Marikina ka, ang tawag mo sa duktor mo,Seseng, Isaac, Juan, Ading, Eloy, Mario, Sitong,Dick, Tasyon, Luming, Itoy at Erning. Kung tagaMarikina ka dapat alam ang pangalang Padre Arciaga, Father Godoy, Mons, Cruz, Fr. Ignacio at Padre Mirasol.
OO nga noh.. sila ung mga doctor noon.. ay teka.. hanggang ngayon pala.. Noong namatay nga si Lola Aning pinakilal anila sa akin si Doktora Tasyon.. Ang doctor ko kasi si Doktor Benny
Pangalan ng mga padre? eh anak ng teteng.. anlapit lapit ko sa OLA hindi ko pa sila makikilala.. inabutan ko nga si Msgr Cruz na kura paroko.. sa Marikina Catholic School pa kaya ako nag aral hehehe..
Taga Marikina ka, Mayor mo si BF, malinis anglungsod mo, may River Park, may Rescue 161, walangsidewalk vendor, bawal magkalat, bawal ang hubad,bawal ang umihi at dumura. Maraming punong kahoy,maliwanag ang mga ilaw, uso ang jogging, aerobics,bowling at ballroom dancing.
Si MCF na mayor ngayon.. wala pa namang pinagbago.. same old Marikina.. malinis..maganda..
Taga Marikina ka, ipinagmamalaki mo ang lahat ngito, hinahangan ang lungsod mo. Pinupuri ka.Mabuhay ang mga taga Marikina! Mabuhay angMarikeo. Ang taga Marikina laging sikat, mabait,masaya, masipag, matulungin, matalino, at higit salahat, huwag mong kalilimutan -MAYABANG!
sige na nga MAYABANG ako .. pinagmamalaki ko .. taga MARIKINA ako
SOURCE: "River City GAZETTE" published February20, 2000 (Vol.II No. 1)Marikina City