Karol Wojtyla
Ahhh I remember the participants chanting "JP2 WE LOVE YOU".. those were the days .. World Youth Day sa Pinas.. every YOUTH was on a high.. parang naka droga.. syempre KAMI ang BIDA!
Si Pope.. akala ko buong buhay ko siya ang Santo Papa na makikilala ko .. un ang totoo.. parang walang katapusan ang buhay niya.. noong ngakakasakit siya nasa pagiisip ko na .. gagaling siya.. magiging malakas at ipagpapatuloy ang pagsisilbi, pagtayong pinuno ng Simbahan. Hindi na nangyari un noong isang araw ng Abril. Nasa Pangasinan ako, nakipamiyesta kina Cathy sa Lingayen. Pagkasing ko nabalitaan ko na lang na patay na si Karol. Nakakabigla.. di ko alam.. wala akong maisip.. walang emosyon.. ang totoo.. nakakalungkot..
Daming narinig na patotoo .. kung gaano nila kamahal si JP2.. mga kasama ko pala sila sa simbahan, OLA Youth ministry.. kasam kasama ko sa WYD.. at sa iba't ibang vigil at taize na dinaluhan namin. Siya ang Idol noong kabataan ek ek days namin.. Nagkaroon pa kami ng parang thanks giving vigil noon para sa kanya.. may mga dasal.. patotoo galing sa mga kaibigan. Meonr pa ngang nagsalita tungkol sa personal encounter niya kay Pope noon.. Totoo ito.. si Mark na bespreng ko.. nayakap si JP2.. kainggit noh?? May pic pa siya .. minsan ipost ko un dito.
Kahapon naisip ko lang.. nagtext ako sa kanila.. "Ang naalala ko April namatay si JP2.. Anong Petsa un? First Year Death Anniversary niya", ikako.. sagot si Buboy, "OO bro naalala ko nga ngayong April un di ko lang alam date".. si mark naman, "Nalimutan ko pare".. at ung dalawa pag.. dedma..
Oo mga kapatid.. mahal namin si Karol :(
sa mga hindi nakakaalam
April 2, 2005
Holy Father John Paul II
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment