ahhh.. Holy week nanaman..
sa mga tulad kong lumaki sa Marikina, San Roue, at mapagmasid sa paligid.. and simoy ng Holy Week ay maaamoy mo na literally.. naks at may english pa ha.. kung ang simoy ng pasko ay mararamdaman mo at maaamoy sa hangin.. e di lalo na ang semana santa.. ito ang matagal na katanungan namin noon pa.. ksama ang mga kaibigan ko .. sina Ron, Mark at Rommel.. un ay ang amoy ng OLA .. hehehe yep tama kayo ang amoy sa OLA kapag ganitong Holy Week na.. palibhasa simula bata ay andoon nakami.. sila ay mga sakristan at akoy pabalik balik lang at pabisi bisita lang sa OLA. Di maipaliwanag kumbakit ang mga puno sa paligid ng OLA ay laging namumulaklak at naglalagas ang mga ito sa panahon ng Semana Santa.. kung papansinin mo talaga at oobserbahan.. walang sablay ito.. parang may sarili silang kalendaryo .. at sa panahon ng Holy Week sila naglalabas ng kakaibang bango..Alam ninyo ba na kung makakalimot ka at naamoy mo ang mga bulaklak .. iisipin mo na lang.. ay oo nga pala.. malapit na Holy Week.. Tara! Subukan mong pumunta sa amin ngayon.. ipapakita ko sa inyo..
Ang Prusisyon
Noong bata ako ito ang pinakaiintay ko.. una makakalabas ako ng gabi hehehe.. at mapapanood ko ang nag gagandahang mga rebulto ng mga santo, hudyo at mga anghel. Andaming tao. talagang dinadayo ang parokya namin dahil sa prusisyon. Nakita ko na rin kung paano madagdagan, mabawasan, at mahati hati ang prusisyon.. pathetic ika nga.. ngunit ayaw ko ng makisawsaw sa ganyang mga usapan.. ito lang ang masasabi ko .. PU^& *NA
Anjan ung bibilangin ko ang mga Apostoles.. nagtataka ako bakit dose pa rin sila.. di ba nagbigti na si Hudas? Paglaon naunawaan ko na din na sinama lang ang isang disipulo kaya naging dose ulit, proxy kumbaga hehehe. Naaalala ko na kapag dadaan na ang Kristong may dalang Krus, Nazareno yata un, ay may mejo tatago ako ng konti.. dahil natatakot ako dito hehehe. Ngayon ang inaabangan ko ay ang pagdaan ni St. Mark. Syempre sa mga tita ko un.. kaya inaabangan ko.Uy panoodin ninyo ha.. remember.. St. Mark hehehe
Hindi ko maalala kung anong edad na ako nagsimulang sumama noon sa prusisyon. Parang right of passage.. hehe tama ba ung term ko? Doon pa kami kay San Pedro sumasama.. .sa kadahilanang siya ang laging nauuna sa prusisyon. So pag nasa simabahan na, makakapanood ulit kami. Ang hinding hindi ko malilimutan.. ang time na nakasunog ako ng buhok hehehe.. dahil sa pakikipag kwentuhan sa mga kasama.. hindi ko namalayan na natigil na pala ang paglalakad.. tuloy tuloy ako .. nagulat kami kasi amoy kambing na niluluto.. un pala buhok na ng nasa harap ko .. alangya..dali dali kong pinagpag ung buhok.. kasi hindi rin niya namamalayan..yaiks!
Penitensya
Yan ang tawag namin sa mga naglilibot na mga grupo na naka costume at may mga konting dramang ginagawa.. ang pagsasadula ng pagbuhat ng krus ni Kristo. heheh marinig ko lang ung tambol nila.. TUG! TUG! TUGUDUG! TUGTUG! ayaaann naaaaaaaa..parang kasabay ng tibok ng puso ko sa pagtunog ng tambol.. tapos may sisigaw na bata.. ayan na si BARABAS!!! aba lintek.. takbuhan na!!! Meron din noong nagpalabas sa Patio.. ung pagpapako sa Krus. Ksama ko si papa noon, ang inet.. pero andoon pa rin kami .. nanonood at kumukuha siya ng mga litrato..
Daan ng Krus
Gigisingin ako ni mama.. hoy bangon na..syempre ligo na ako at bihis.. pero bata pa ako noon.. kung ngayon un.. tutulugan ko lang siya hehehe.. pero hindi ako napipilitan noon.. gustung gusto ko sumama sa pag dadaan ng krus niya.. gusto kong lumabas, amuyin ang amoy ng OLA at pumasok sa simbahan. Alam ninyo gagawin ko dun? pupuntahan ung mga karosa at mga santong doon ipinaparada kapag Holy Week. Palibhasa kasama sila sa prusisyon ng Semana Santa kaya doon na lang sila inilalagi. baki tnga ba natigil ung ganun? wala na tuloy mapaglaruan na karosa ang mga bata ngayon.. maswerte pala ako noon.. hehehe.. alam ninyo kasi kapag bata ka at nakikita mo lang ang mga karosang hinahatak at tinutulak ng mga nakakatanda.. naiinggit ka.. gusto mo manlang mahawakan un at magimagine na ikaw ang may tangan nito. So un ang ginagawa ng bawat batqng madadaan sa simbahan noong mga panahon yaon. So akala mo tungkol sa daan ng Krus ito ha.. hehehehe
Ngayong nagttrabaho na ako .. magmamadali akong umuwi mamaya.. dahil maraming activities sa amiin kapag holy Week.. may Daan ng Krus ng Parokya mamaya.. punta ako kina Lola Aning.. kasi may estasyon doon.. kita kita na lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment