8:00 AM
Bangon.. what a morning.. uminom kami kagabi .. RED HORSE.. ito ang TAMA!!
tingin as cellphone.. 4 NEW MESSAGES
patay na si Joel "AMO" .. ung kapatid ni ate Vi
teka totoo ba ito? Palitan ng text sa mga kaibigan.. lahat nagulat.. then confirmed.. mismong kapatid na niya ang nagtext
Isa si Amo sa mga nakilala ko noong high school - college .. sa mga panahon namin sa OLA Youth Ministry.. Siya ang tipong on the go palagi .. pakalat kalat kumbaga..
Nakasama sa Youth Ministry(Charismatic).. nakasama din yata sa disaster management team?
nakakatuwa noon dahil.. pag may handaan or inuman.. lagi namin siyang nakikita.. biglang sumusulpot kumbaga.. may magtatanong, "O saan galing ito? lakas makaamoy". hehehe totoo ganun nga ang akala namin.. malakas makaamoy.. ang totoo.. palaboy siya.. makikita mo laging nakamotor or bike.. Sabihin na nating nakakaamoy nga siya.. pero bilib ako sa kanya.. hindi mo inuutusan .. nagkukusa.. siya ang nag aasikaso at nagiging abala .. makwento.. maraming alam.. ugaling taga Marikina ..
Da best na ala ala ko sa kanya noong sumama siya sa Star City.. Kumain ng burger.. takaw mo pre.. tapos nagkahamunan na sumakay sa parang roller coaster na may malaking loop.. hehehe naalala ko reaction ninyo ni pareng Aries doon.. para kayong cartoon characters.. "Ang KULIT!".. pero pagbaba, wag ka!! itong si amo sumusuka.. nilagay mo ba ung ulo mo sa loob ng trash can? hehehe.. tanggal lahat ng kinain..
A toast to AMO.. rest in PEACE bro..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment