Thursday, July 27, 2006

HAPPY BIRTHDAY LOLA ANING

Belated Happy Birthday Lola Aning

July 26 (1914?) di lang ako masyadong sigurado sa taon ng kapanganakan niya.. kung tama ang naaalala ko namatay siya last 2004 sa edad na 89.. dapat 92 na yata siya.. ano ba meron sa araw na ito.. mga may kaarawan: Kate Beckinsale, Sandra Bullock, Kevin Spacey at si Mick Jagger.

PASASALAMAT. Sa pagpapalaki sa mga magulang namin. Alam namin na naligaya kayo at may pagmamalaki sa inyong mga anak. Na gayon na rin ang tinuturo sa amin ngayon. Alam ko na hindi namin naipakita sa iyo noong nabubuhay ka pa or kulang ang naipapakita naming pasasalamat noon.. Sa nakikita ko .. sapat na at natutuwa kayo na makitang matiwasay at maayos ang lahat. Alam kong lahat kami pinagmamalaki ninyo .. simula sa mga anak .. sa mga apo .. kinatutuwa ang mga apo sa tuhod.. siguro naman maganda ang kinalabasan ng lahat.. Naka grad na si erwin ng Law.. naghahanda ng mag take ng board exam sa pagiging doctor si Joel .. si Bonel naman kilala na sa larangan ng badminton..

Naalala ko kung paano kayo magluto noon. Sino ba naman ang nagsabing hindi sila nasarapan sa mga inihahain inyo? pag iniisip ko .. ano ba ang pwede kong itawag sa pamamaraan ninyo? Buti na lang naituro ni Lola Bitang sa inyo ang mga pamamaraan na iyan.. at nakakatuwa namang natutunan din ng mga anak ninyo.. sana kami rin mabigyan ng pagkakataong matutunan yan. Namimiss ko na ang leche flan ninyo.. ang kare-kare.. ang waknatoy.. at ang nilaga na tuwing Linggo mo niluluto.. anjan din ang sopas tuwing Bagong Taon

May iba rin kayong pamamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Mayroon kayong karisma at iba ang dating ninyo. Siguro natural lang yan sa mga tulad ninyong lumaki na talaga sa Marikina.. at ang tinutukoy ko dito ay ang totoong taga Marikina.. May pamamaraan kay ona parang kilala ninyo ang lahat? kilala kayo ng lahat? alam ninyo ang lahat? ika nga nila.. "si lola Aning pa!!!"

Nakakatuwa ring alalahanin ang mga paglalakbay na ginawa ninyo.. Andami ninyong napuntahan.. nalibot na yata ninyo ang kabuuan ng Luzon at ibang parte ng Katimugan. Natutuwa rin ako at naranasan ninyong makapunta sa Banal na Lupain. Sa inyog mga kwento sa mga nangyari, nakita at naranasan doon.

Naaalala ko ang mga ka-tropa ninyo noon. Masaya kayong nagkikita kita sa bahay. Doon ay maglalaro lang kayo maghapon ng baraha. Andoon lang kami at manonood sa inyo. At kung wala namang darating na mga kaibigan.. kami kami na lang ang kalaro ninyo.. at bibigyan ninyo kami ng puhunan bawat isa.. ang pinaglalabanan natin ay pera din ninyo ..

Bago kayo umuwi mula sa inyong pamamalengke ay dadaan muna kayo sa bahay namin upang bigyan ako ng mangga or anumang prutas na nabili ninyo.

Ang pagdadasal ninyo sa kapilya ng San Roque. Naaalala ko na kayo lang ni Tita Cel ang nagdadasal noon.. at magibbiruan ang mga anak ninyo na nag sasagutan nanaman kayong dalawang magkapatid.. at pinaririnig pa ninyo sa buong baryo...

Paano nga ba ung mga itinuro mo sa akin noong pagbasa as sinasabi ng ulap? Alam ninyo takot lang talaga akong malaman ang ganyang mga bagay. Kinalimutan ko lang ba talaga ng sadya ung mga itinuro ninyo? Naaalala ko tatawag pa kayo sa telepono para palabasin ako ng bahay at tignan ang ulap.. ano na kaya ang sinasabi nila ngayon?

Bisita Iglesia naman pag mahal na araw.. di namin malaman kung ggano ba kayo kabilis magdasal? hehehe.. nagtataka lang kasi kami parang ambilis ninyo natatapos ung 3 ama namin, 3 Aba Ginoong Maria at 3 luwalhati. Aba't natatapos pa lang ako sa isa ay tumatayo n akaagad kayo.

Ang isa sa pinaka naaalala ko at hinahanap hanap ko sa bawat taon. Ang inyong pamamaalam at pasaaslamat sa pagtatapos ng inyong Pabasa, Piging. Parang kulang .. sa nagdaang taon kailangang masanay na ako na ibang boses ang maririnig ko doon. Pasensya na hindi ko yat akayang basahin un. Kita ninyo nga si Tita Cel noong unang taon na wala ka na.. naiyak siya sa pagbabasa.. un ang kinakatakot ko .. siguro sa mga darating na pagkakataon na lang..

Hmmm ano kaya ginawa nating pamilya nitong kaarawan ninyo? panigurado ko magkakasam tayong lahat. May manlilibre kaya ng Ice cream? Di ba yan ang kantiyaw tuwing may kaarawan? Oo naman.. syempre.. "si Lola Aning pa!!!"





No comments: