Thursday, July 13, 2006

Bumabagyong araw

Tama bang tawaging bumabagyong araw? eh hindi naman natin nasisilayan ang araw ng mga panahong ito?

Buti na lang ang nag deklarang wlang pasok ngayon ang DEP ED. Pasalamat kayo at hindi umaraw.. hehehe ganyan naman kayo di ba? Deklare kayo walang pasok ngayon.. tapos biglang sisikat ang araw.. pag sinabi ninyong may pasok.. ubod ng lakas ng ulan at hangin... tsk tsk tsk

Eh ang mga opisina or business ek ek? Syempre hindi.. kung kaya mo pang pumasok .. pumasok ka.. malaki ka na.. hindi ka na estudyante.. hehehe .. walang pakialam kahit parang basang sisiw na naglalakad sa kalsada. .tinatangay ng hangin ang payong.. at may mga mayayabang pang nagmamaneho na wlang pakundangan sa mga naglalakad sa paligid ang .. biglang haharurot at syepmre pa.. mababasa ka.. lintek kayo!!

Ahhhh anjan pa rin ang mga MALL.. malamang ang mga estudyante ngayon nag babalak ng gumimik .. magkitakita.. magchikachika.. manood ng sine.. at maniwala kayo't sa hindi.. pati sila nagkakape na.. so, STarBucks here we come..

Pinakamasarap ngayong umuulan.. matulog.. kahit buong araw ako matulog ok lang.. anlamig ng panahon.. kahit walang aircon or electric fan malamig pa rin..

Pasasalamat ko lang mayroon ako.. tayong masisilungan.. naisip mo na ba kung paano na ung mga wlang tirahan?

No comments: