Tuesday, July 11, 2006

JVC Badminton Tournament

kakaiba ang tournament ngayong taon.. oo wala na nga ung malalaking TV sets na nakikita kong ibinibigay s mga nag-champion.. wala din ang magkapatid na Kennie at Kennevic Asuncion sa tournament.. pero anjan naman si Ronel.. or Bonel para sa amin.. hehehehe

dati ang papanoorin ko lamang sa tournament eh ung mga kilala or natinal players.. pero ngayon sinubaybayan ko ang mga laro mula pa sa powersmash badminton court patungong glorietta para sa quarterfinals.

Alam ko magaing si Bonel.. no doubt about it.. so inaasahan ko na aabot siya sa mga laro sa Glorietta.

Habang nanonood sa powersmash sa kainitan ng hapon.. nakakatuwang isipin na naglalaro ngayon sa ganoong level si Ronel.. di ko maisip na ung makulit na batang nasa tabi ko pag naglalaro ako ng War Craft or Red Alert at kapag natatalo ako ay ubod ng lakas mang asar kaya nababatukan eh andito sa JVC tournament.. lumalaban sa mga magagaling na manlalaro..

Nakakatuwang makita mo na kachokaran at kaututang dila niya ung mga maggaling na manlalaro na kaidad niya.. so sabihin na nating kilala na siya ng mga ito.. dahil sila ang mga nagkakatapat tapat sa mga tournament na nilalahukan nila..

bawat laro makikita mo kung kaya niya or hindi ang kalaban.. kitang kita sa galaw at expression niya sa mukha.. malamang alam ko kasi may konting pagkakahawig sa pag iisip at pagkilos ko or sa iba naming pinsan.. kaya noong napapanood namin ni Rhechiel ang laban sa Semis ng Elite singles men ay nahalata niyang bothered ang itsura ni Ronel.. akala ko ako lang ang nakapuna.. hehehe so nung matalo siya.. biglang nagsulputan si ate dory at kuya nolo(nanay at tatay niya).. tawa ako ng tawa kasi hindi daw ila mapanood na natatalo si Ronel.. ngayon alam ko na na ganun pala talaga..aywa mong makitang natatalo ang kakilala mo .. lalo na ang kamag anak mo .. natawa ako ng sinabi pa ni ate dory na anjan si kasoy at joel.. nag ikot ikot noong nakikitang natatalo na si Bonel.. heheh akalain mo un.. takot silang lahat ..

Natyempo naman na noong araw na iyon lang nila napanood maglaro si Ronel.. sayang natalo siya.. gaun talaga.. tsaka si Gadi ang kalaban niya.. siya na rin ung nag champion sa Elite men's singles category.. aminado si Ronel na may takot pa siya dun.. un na ng alang ang kailangan niyang alisin sa sarili niya.. pero kahit sino naman may takot at kaba.. kailangan mo lang i re-channel ang mga narramdaman mong yan pag nakasabak ka na

Sa lahat lahat magand ang pinakita ni Ronel.. umabot sa semis ng Elite men's singles at 16 and Under mixed doubels.. at ang champion sa 16 under men's singles.. saan ka pah?? unang sali pa lang yata niya.. hehehehe.. syempre andoon ang buong pamilya sa awarding .. para sumoporta at mag antay ng LIBRE!!! YAHOOOOO!!!!

so inaashan ko na bawat taon aantayin ko na ang JVC tournament.. hindi ko na kailangan maghanap pa ng mapapanood dahil aasahan ko na naandoon na si Ronel.. at sa mga taon pang susunod ..

kudos to Ronel his partner and coaches

No comments: